Sa Ranzo, Bumubuhos ang Saya ng Kapistahan
Bago pa man sumapit ang araw ng opisyal na pista sa Barangay Ranzo, ika-21 ng Enero, napagpasyahan na naming umuwi roon. Nag-uwian kami mula noong ika-16 ng Enero para sa ilang araw na pagdiriwang bago pa magsimula ang pista. Mula sa Barangay Wawa, sinakyan namin ang aming motorsiklo – ang byahe ay inabot ng higit sa 40 minuto. Sa sandaling makapasok kami sa Barangay Ranzo, ramdam na ramdam na ang diwa ng kapistahan. Ang mga bandiritas ay makukulay at umaalon parang sumasayaw. Naririnig din ang mga anunsyo ng mga opisyal ng barangay, kasabay ng musika at ingay ng mga sasakyan ng mga umuwing kapamilya mula sa ibang lugar. Pagkarating namin sa aming tahanan, ang masayang mukha ng mga kamag-anak ang sumalubong sa amin. Sa unang araw ng aming pag-uwi sa Ranzo, nakita namin ang saya at paghahanda ng mga tao. Kinagabihan, inihanda ang isang sayawan para sa mga kabataan. Nagtungo kami roon upang makita ang kasiyahang nagaganap. Ang mga kasuotan ng mga mananaya...